Pagbabago sa pamamalakad ng SEAG hosting suportado ni Escudero

MANILA, Philippines - Maraming magagan­dang bagay ang puwedeng gawin sa larangan ng pa­lakasan ngayong may perang magagamit ang Phi­lippine Sports Commission (PSC).

Ito ang sinabi ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero na sinuportahan din ang pagkilos ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC) na baguhin ang pamama­lakad sa Southeast Asian Games na kinakikitaan ng pagbibigay ng pabor sa mga host country kung pagpili ng laro ang pag-uusapan.

“Host countries always win or finish in the top pla­ces, whenever they take their turn. It’s time for the SEA Games Federation countries to review this  practice and accept the POC option of instituting Olympic events in the next editions of the Games to ensure fairness among competitors and help raise the level of Olympic standards in the region,” ani Escudero.

Hindi naman mababago na ang kagustuhan ng Myanmar sa magi­ging takbo ng kompetisyon ka­ya’t dapat na lamang na harapin ito ng bansa.

“There is nothing much we could do now but give our best in the events we are participating in,” pahayag ng Senador. “But there should no longer be any more blaming games, no more fault hunting. The PSC had conditioned the minds of sports fans. Enough of that, already. Let us all move on and do our jobs well.”

Plano ng PSC at POC na magpadala ng maliit na delegasyon na sinang-ayunan din ni Olympic Council of Asia president Sheikh Fahad Al-Sabah nang bumisita sa bansa.

Ayos ang diskarteng ito para kay Escudero dahil ang matitipid na pera ay maaaring gamitin sa mga atletang may potensyal na manalo sa mas malalaking kompetisyon tulad ng Asian Games sa Olympics.

Show comments