Weiss kumpiyansa sa Azkals na isasabak sa AFC Challenge Cup

MANILA, Philippines - Kontento si Azkals coach Hans Michael Weiss sa pi­niling manlalaro na ibabandera ang Pilipinas sa AFC Challenge Cup Maldives Group E Qualifiers na bubuksan sa Biyernes sa Rizal Memorial Football Stadium.

“The best team is only the team that wins. It’s a very good selection, we have all the professional players avai­lable,” wika ni Weiss matapos ihayag ang 23 manlalaro na bubuo sa Azkals.

Ang mga napili ay sina Marwin Angeles, Misagh Ba­hadoran, Dennis Caraga, Emelio Caligdong, Jeffrey Christiaens, Jason de Jong, Neil Etheridge, Robert Gier, Christopher Greatwich, Angel Guirado, Juan Luis Guirado, Jerry Lucena, Carlos Alberto Martinez de Murga, Paul Mulders, Roland Muller, Javier Patino, Jose Elmer Porteria, Patrick Reichelt, Eduard Sacapano, Stephan Schrock, Matther Uy, James at Phil Younghusband.

Si Patino ang bagong salang sa koponan pero naniniwala si Weiss na may maitutulong ito pero mangangaila­ngan ng panahon para tunay na lumabas ang angking talento sa football.

Apat na bansa ang torneo at ang mga laro ng Pilipinas ay itinakda dakong alas-7:30 ng gabi.

Unang laro ay laban sa Brunei sa Biyernes bago sundan  ng laro kontra sa Cambodia sa Marso 24 at ang huling asignatura ay laban sa matikas na Turkmenistan sa Marso 26.

 

Show comments