LOS ANGELES--Hindi lumabas si Kobe Bryant sa locker room ng Los Angeles Lakers dahil sa kanyang sprained ankle bukod pa sa lagnat.
Ngunit hindi ito nakaaÂpekto sa Lakers.
Umiskor si Antawn JaÂmiÂson ng 27 points, habang may 22 si Metta World Peace para banderahan ang Lakers sa 113-102 paggupo sa Sacramento Kings noong Linggo ng gabi.
Ito ang pang-anim na panalo ng Lakers sa huling pitong laro.
Sa hindi paglalaro ni Bryant, ginamit ni Lakers coach Mike D’Antoni ang pitong players, samantalang nagbida naman sina Jamison at reserve Steve Blake took sa second half.
Mula dito ay nakalayo na ang Lakers (36-32) sa Kings para makadikit sa Utah (34-32) sa labanan sa No. 8 spot sa Western Conference at sa Houston (36-31).
Dalawang araw matapos talunin ang Indiana PaÂcers, naging balanse naman ang produksyon ng Lakers kahit wala si Bryant, ang pang-limang leading scorer sa NBA history.
Sa Toronto, dinuplika ng Miami Heat ang ikalawang pinakamahabang winning streak sa NBA history matapos igupo ang Toronto Raptors, 108-91, para sa kanilang pang-22 sunod na ratsada.
Kumolekta si James ng 22 points at 12 rebounds para sa kanyang career-best na ika-32 double-douÂble sa season, habang nagÂlista si Dwyane Wade ng 24 points at 9 assists.
Humugot naman si Ray Allen ng 16 sa kanyang 20 points sa fourth quarter para sa defending NBA champions.
Tumapos si Chris Bosh na may 18 points sa pagpantay ng Heat sa 22 sunod na panalo ng Lakers noong 1971-1972 season.
Sunod na makakatapat ng Miami Heat ang Boston Celtics sa Lunes.