Maliban marahil sa best-of-seven championship round ng nakaraang PBA Philippine Cup kung saan winalis ng Talk ‘N Text ang Rain or Shine, ay hindi pa natatalo ng back-to-back ang Elasto Painters sa season na ito.
Kasi nga’y parang buong-buo na ang kumpiyansa ng mga manlalaro ni coach Joseller ‘Yeng’ Guiao matapos na makamtan nila ang kanilang kauna-unahang kampeonato sa Governors Cup ng nakaraang season kung saan dinaig nila sa Finals ang San Mig Coffee.
Biruin mong hindi na nga nagsagawa ng earth-shaÂking changes sa kanyang line-up si Guiao.
Iisang manlalaro ang kanyang idinagdag at ito’y ang rookie na si Chris Tiu na pumuno sa puwestong binakante ni Ronjay Buenafe na ipinamigay sa Meralco Bolts.
Kumbaga’y tiwala rin si Guiao sa kanyang koponan at alam niya na na-develop na ang chemistry ng kanyang mga bata. So, hindi na kinailangang magÂbaÂlasa pa.
At maganda nga ang naging resulta ng pananatili nilang intact. Nakarating sila sa Finals ng PBA Philippine Cup.
Pero hiniya nga sila ng Tropang Texters kung kaya’t talagang nais nilang makabawi sa kasalukuyang Commissioner’s Cup.
Matapos na matalo sa Alaska Milk, 83-81, sa unang laro nila, rumatsada ang Rain or Shine at nagposte ng limang sunud-sunod na panalo.
Pero ang winning streak na ito’y napatid noong Miyekules nang sila’y hiyaing muli ng Tak ‘N Text, 86-76.
Kumbaga’y para bang sinabi ng Tropang Texters sa kanila na ‘hindi ninyo pa kami kaya at hindi muna kayo makakabawi.â€
So there, nagwakas ang winning streak at hinangad ng Elasto PainÂters na makapagsimula ng panibago.
Pero sa halip na mangÂyari iyon, aba’y nataÂlisod sila sa Panabo CiÂty, Davao del Norte noÂong Sabado.
Nakaharap nila sa laÂrong iyon ang Petron Blaze na walang import daÂhil sa na-banned nga si Renaldo Balkman matapos ang kaguluhang nilikÂha nito sa laban ng Boosters at Alaska Milk daÂlawang Biyernes na ang nakalilipas.
Hindi naman nakaÂkuha kaagad ng kapalit ni Balkman ang Boosters, kaya All-Filipino muna sila kontra Elasto Painters.
Natural na sa scenario na iyon, llamado ang Rain or Shine at dehado ang Petron.
Pero imbes na saÂmanÂtalahin ng Elasto PainÂÂters ang sitwasyon, aba’y nadale sila ng PetÂron na nagwagi, 87-79.
Kumbaga’y mas maÂtinÂdi ang naging intensity ng Boosters kaysa sa Elasto Painters.
O baka nagkumpiyansa ang mga bata ni Guiao.
Iyon ang masaklap. Iyon ang nakakadismaya.
Cause for concern iyon para kay Guiao dahil sa ngayon na lang siÂla natalo ng dalawang sunod.
Ayaw niyang magÂkaÂsunud-sunod ang kaÂnilang kabiguan dahil sa baka mawala ang kaÂnilang gigil.
Siguradong matindi ang magiging paghaÂhanda ng Rain or Shine para sa susunod nilang kalaban na Barako Bull sa Miyerkules.
Gigil din ang Barako Bull dahil sa nagkasunud-sunod na kabiguan nito.