Dating import ng Globalport hinirang na slam dunk champion sa ABL

MANILA, Philippines - Hindi na makakalimutan ni Justin Williams ang pag­sali niya sa ASEAN Basketball League (ABL).

Ang 6-foot-9 import na dating naglaro para sa Globalport sa PBA at ki­nuha sa San Miguel Beer pa­ra halinhinan ang injured na si Gabe Freeman ang na­kitaan ng husay sa slam dunk upang angkinin ang titulo na pinaglabanan no­ong Sabado sa Phu Tho Sta­dium sa Ho Chi Minh Ci­ty sa Vietnam.

“It feels great to win the slam dunk crown,” paha­yag ng 28-anyos na si Williams na naglaro na rin sa Sacramento Kings at Houston Rockets sa NBA.

Bukod kay Williams ay kasali rin sina David Palmer ng Saigon Heat, Chris Da­niels ng Indonesia, Wutti­pong Dasom ng Chang Thailand Slammers, Moala Tautuaa ng Westports Malaysia Dragons at Delvin Goh ng Singapore Sli­ngers.

Sa elimination round ay agad na nagpasiklab si Williams na bumanat ng dunk gamit ang dalawang bola at isang dunk mula sa 15-foot line.

Umani si Williams ng ka­buuang 89 puntos na si­ya ring nakuha ni Palmer pa­ra magtuos ang dalawa sa Finals.

May 48 iskor si Palmer para magdiwang ang mga manonood pero pinatahimik ni Williams ang mga ito nang ang windmill dunk su­ot ang sunglasses ay nag­bigay ng 49 puntos.

“I’ve been through so­me rough times recently but I’m very happy to be with San Miguel Beer as they treat me like family,” sa­bi pa ni Williams.

Hindi naman pinalad ang teammate niyang si Leo Avenido na hinangad ang panalo sa three-point shootout nang magkaroon la­mang ng pitong puntos sa Finals laban sa 13 ni Sheng Yun ng Singapore Slingers para sa titulo.

 

Show comments