2-0 record pakay ng 4 koponan

Laro Ngayon

(San Juan Arena)

12 n.n. Fruitas vs Cebuana Lhuillier

2 p.m. Hogs Breath vs Big Chill

4 p.m. Blackwater Sports vs Cagayan Valley

 

 

MANILA, Philippines - Maipagpatuloy ang pag­hawak sa malinis na karta ang pagsisikapang ga­win ngayon ng apat na  na­ngungunang koponan sa 2013 PBA D-League Foundation Cup ngayon sa San Juan Arena.

Eksplosibong laro ang ma­sisilayan sa ganap na alas-12 ng tanghali sa pagkikita ng Fruitas at Cebuana Lhuillier na kung saan ang mananalo ay aangat sa 2-0 baraha.

Ang Big Chill na sinorpresa ang NLEX, 86-77, ay paboritong manalo sa pagharap sa Hogs Breath sa alas-2 ng hapon, habang ang Blackwater Sports ay mapapalaban sa Cagayan Valley sa hu­ling laro sa alas-4.

Nanalo ang Elite sa Ca­fé France, 86-81, sa unang salang sa aksyon ngu­nit makikilatis ang tibay ng tropa ni coach Leo Isaac sa Elite na siyang sumibak sa kanila sa semifinals ng Aspirants’ Cup.

Galing ang Shakers sa 81-56 panalo sa rookie team Jumbo Plastic Giants sa solidong debut sa conference kahit may limang bagong manlalaro mula sa FEU ang koponan.

“Natapat kami sa ba­gong team sa opening day. Ma­bigat na kalaban ang Cebuana at sana ay makitaan kami ng intensidad tulad ng naipakita namin sa first game,” wika ni coach Nash Racela.

Ang Gems ay galing sa panalo kontra sa Boracay Rum sa dikitang 68-66 tagumpay.

Ang panalong nakuha sa NLEX ang sinasandalan ni Superchargers coach Robert Sison na magbibigay ng tiwala sa kanyang mga alipores.

Show comments