MANILA, Philippines - Magiging abala si Alberto Lim Jr. sa paglalaro ng tennis sa loob at labas ng bansa sa darating na mga linggo.
Sariwa ang 13-anyos na si Lim sa pagwalis sa dalawang yugtong Ajay Pathak Memorial Cup/ITF 14-Under Development Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.
Panandalian ang paÂmamahinga ng NCAA back-to-back MVP dahil mula sa Martes ay sasaÂÂlang siya sa mas mataas na kompetisyon na MitsuÂbishi Lancer International Juniors Championships sa Rizal Courts.
Edad 18-anyos pababa ang mga katagisan ni Lim na wild card entry ng bansa. Kinasasabikan ang planong pagtambal nila ni Jurence Mendoza sa doubles.
May plano rin na isali si Lim sa isang Grade B1 event sa India at ito ay mas mataas sa Grade I na siyang marka ng Mitsubishi event.
“Okey lang sa akin ang sumali sa ganitong mabibigat na tournament. Hindi ko naman iniisip na manalo pero ang dapat na mangyari ay sa lahat ng sinasalihan ko ay may magandang resulta akong makuha,†wika ni Lim.
Mahalaga ang resulta dahil naghahabol si Lim na makapasok sa Top 100 sa juniors rankings bago matapos ang taon.
Matapos ito ay hangad niyang makapasok sa Top 50 sa 2014.
“Mahalagang masama ako sa Top 50 dahil paÂngarap kong makalaro sa World Youth Olympics next year. Ang Top 50 ang naiimbitahan na sumali rito kaya’t kailangang pagsikapan kong maabot ito,†paliwanag pa ni Lim.
Sa talentong ipinakikita ni Lim, kumbinsido ang Philippine Tennis Association na siya ay isa sa mga pambato ng bansa sa sport kaya’t nananalig ang NSA na tutulong sa pangangalaga sa batang netter ang Philippine Sports Commission (PSC).
“Si Alberto at si Jurence ang mga ipinasok ng Philta sa pool para masuportahan ng PSC. As of now, silang dalawa lang talaga ang malaki ang potential and they have proven themselves. Lim at his age is a solid player and very serious. We just hope that the PSC can help us in supporting him together with the private sector,†wika ng dating Philippine Davis Cup team captain na ngayon ay national coaches sa juniors na si Martin Misa.