Kung pagbabasehan ang kani-kanilang win-loss record hanggang sa puntong ito ng elimination round ng PBA Commissioner’s Cup ay puwedeng sabihin na okay lang para sa Meralco Bolts ang pagkakapamigay nito ng mga manlalaro sa Globalport.
Magugunitang bago nagsimula ang torneo ay ipinaÂmigay ng Bolts sina Sol Mercado, Kelly Nabong, Jaypee Belencion at Yousef Aljamal sa Batang Pier kapalit nina Rey Guevarra, Vic Manuel, Josh Vanlandingham at fuÂture draft pick.
Sa pitong manlalarong ito, si Mercado lang ang masasabing babad na babad sa laro. Nabibigyan din ng playing time sina Belencion at Aljamal pero si Nabong ay tila nabangko at nakalimutan ni coach Junel Baculi.
Sa kabilang dako ay may injury naman si VanlanÂdingham at hindi pa nakapaglalaro. At bagamat sa umpisa ng torneo ay nabigyan ng playing time sina Guevarra at Manuel, ngayo’y tila bawas na ang kanilang minuto. So, sa pakinabang, masasabing lamang ang Globalport dahil kay Mercado.
Pero teka, sa kasalukuyan ay nangungulelat ang GloÂbalport na may dalawang panalo pa lamang sa walong laro. Ang Bolts naman ay may apat na panalo at tatlong talo sa mga sandaling isinusulat ito. Kalaban nila kagabi ang defending champion San Mig Coffee at hindi pa natin alam ang resulta ng larong iyon.
Anuman ang mangyari sa larong iyon, nakakaangat pa rin ang Bolts sa Batang Pier.
So, okay sa Meralco ang trade bagamat wala pang napakikinabangan nang husto si coach Paul Ryan Gregorio sa kanyang mga nakuha. Marahil ay para sa kinabukasan ng team ang kanyang ginawa. Hindi ba’t may kasama ngang draft pick buhat sa Globalport?
Ang maganda lang sa nangyaring pagkakapamigay kay Mercado ay lumabas ang buti ni Chris Ross.
Noon kasing magkasama ang dalawang ito sa MeÂralco ay hindi nama-maximize ni Gregorio ang gamit kay Ross. Kasi nga’y mas superstar si Mercado.
Bukod sa umiikli ang minuto’t bumababa ang mga numero ni Ross, mayroon pang mga pagkakataon na nagkakagirian at nagkakasapawan sina Mercado at Mark Cardona na siyang main man ng team.
So kahit paano’y may question din sa chemistry at harmony. Pero ngayon ay wala na tayong nababalitang mga hidwaan sa Meralco. Everybody happy na.
At bukod sa hindi na nasasapawan si Cardona ay lumulutang nga si Ross na ang mentalidad ay tunay na pang-point guard. Kasi, inuuna ni Ross ang pagpasa ng bola bago ang pagtira. Kumbaga’y pinasasaya niya’t pinapopogi ang mga kakampi. Pero puwede din naman siyang umopensa’t pumuntos.
Matapos ang unang pitong games ng Meralco sa Commissioner’s Cup, si Ross ay nag-average ng 9.29 puntos, 6.14 rebounds, 9.43 assists at 2.57 steals.
Aba’y ano pa ang hahanapin mo sa kanya.
Sa totoo lang, matagal nang bilib si Gregorio kay Ross. Nung una silang nagkasama sa Meralco, tiningnan ni Gregorio ang credentials ni Ross at nakita niyang naglaro ito sa US NCAA Division I. Hindi basta-basta nagiÂging point guard sa division na ito kung hindi ka magaling.
At dahil sa talagang may angking galing si Ross, ito’y napalabas ni Gregorio.
Most Improved Player ba si Ross?