^

PSN Palaro

Lumabas ang buti ni Ross

FREE THROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Kung pagbabasehan ang kani-kanilang win-loss  record hanggang sa puntong ito ng elimination round ng PBA Commissioner’s Cup ay puwedeng sabihin na okay lang para sa Meralco Bolts ang pagkakapamigay nito ng mga manlalaro sa Globalport.

Magugunitang bago nagsimula ang torneo ay ipina­migay ng Bolts sina Sol  Mercado, Kelly Nabong, Jaypee Belencion at Yousef Aljamal sa Batang Pier kapalit nina Rey Guevarra, Vic Manuel, Josh Vanlandingham at fu­ture draft pick.

Sa pitong manlalarong ito, si Mercado lang ang masasabing babad na babad sa laro. Nabibigyan din ng playing  time sina Belencion at Aljamal pero si Nabong ay tila nabangko at nakalimutan ni coach Junel Baculi.

Sa kabilang dako ay may injury naman si Vanlan­dingham at hindi pa nakapaglalaro. At bagamat sa umpisa ng torneo ay nabigyan ng playing time sina Guevarra at Manuel, ngayo’y tila bawas na ang kanilang minuto. So, sa pakinabang, masasabing lamang ang Globalport dahil kay Mercado.

Pero teka, sa kasalukuyan ay nangungulelat ang Glo­balport na may dalawang panalo pa lamang sa walong laro. Ang Bolts naman ay may apat na panalo at tatlong talo sa mga sandaling isinusulat ito. Kalaban nila kagabi ang defending champion San Mig Coffee at hindi pa natin alam ang resulta ng larong iyon.

Anuman ang mangyari sa larong iyon, nakakaangat pa rin ang Bolts sa Batang Pier.

So, okay sa Meralco ang trade bagamat wala pang napakikinabangan nang husto si coach Paul Ryan Gregorio sa kanyang mga nakuha. Marahil ay para sa kinabukasan ng team ang kanyang ginawa. Hindi ba’t may kasama ngang draft pick buhat sa Globalport?

Ang  maganda lang sa nangyaring pagkakapamigay kay Mercado ay lumabas ang buti ni Chris Ross.

Noon kasing magkasama ang dalawang ito sa Me­ralco ay hindi nama-maximize ni Gregorio ang gamit kay Ross. Kasi nga’y mas superstar si Mercado.

Bukod sa umiikli ang minuto’t bumababa ang mga numero ni Ross, mayroon pang mga pagkakataon na nagkakagirian at nagkakasapawan sina Mercado at Mark Cardona na siyang main man ng team.

So kahit paano’y may question din sa chemistry at harmony.  Pero ngayon ay wala na tayong nababalitang mga hidwaan sa Meralco. Everybody happy na.

At bukod sa hindi na nasasapawan si Cardona ay lumulutang nga si Ross na ang mentalidad ay tunay na pang-point guard. Kasi, inuuna ni Ross ang pagpasa ng bola bago ang pagtira. Kumbaga’y pinasasaya niya’t pinapopogi ang mga kakampi.  Pero puwede din naman siyang umopensa’t pumuntos.

Matapos ang unang pitong games ng Meralco sa Commissioner’s Cup, si Ross ay nag-average ng 9.29 puntos, 6.14 rebounds, 9.43 assists at 2.57 steals.

Aba’y ano pa ang hahanapin mo sa kanya.

Sa totoo lang, matagal nang bilib si Gregorio kay Ross.  Nung una silang nagkasama sa Meralco, tiningnan ni Gregorio ang credentials ni Ross at nakita niyang naglaro ito sa US NCAA  Division I. Hindi basta-basta nagi­ging point guard sa division na ito kung hindi ka magaling.

At dahil sa talagang may angking galing si Ross, ito’y napalabas ni Gregorio.

Most Improved Player ba si Ross?

ANG BOLTS

BATANG PIER

GLOBALPORT

GREGORIO

MERALCO

MERCADO

PERO

ROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with