MANILA, Philippines - Ipaparada ng San MiÂguel Beer si Justin Williams para tulungan ang koponan sa pagbangga sa Singapore Slingers sa 4th ASEAN Basketball LeaÂgue ngayong hapon sa Than Bihn Stadium sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Ang 6’10 na si Williams na pinakawalan ng Globalport sa PBA ay kinuha para pansamantalang palitan si Gabe Freeman na nagpapagaling pa sa tinamong MCL injury.
May 6-3 karta ang tropa ni coach Leo Austria at haÂnap nila na mailista ang ikatlong sunod na panalo kung maigugupo ang SliÂnÂgers na nais na itabla ang kasalukuyang record na 4-5 baraha.
Inaasahang palalakasin ni Williams ang depensa ng Beermen lalo pa’t naghatid siya ng 18 rebounds at 4.57 blocks habang naglalaro sa PBA.
“Masuwerte kami at hindi kami nahirapang maÂkakuha ng pamalit kay Freeman. Naniniwala akong malaki ang maitutuÂlong niya sa depensa,†ani Austria.
Matapos ang Slingers, makakalaban naman ng BeerÂmen ang Saigon Heat sa Linggo na tatapos sa ABL Hoops Fest 2013.
Bukod sa Beermen at Slingers, magsusukatan din ang nangungunang Indonesia Warriors at Chang Thailand Slammers sa alas-4 ng hapon habang ang huling laro ay sa pagitan ng Saigon Heat at Westsports Malaysia Dragons.
Sa Sabado ay idaraos ang mga side events na slamdunk at 3-point shooÂting contest para sa mga mahihilig sa basketball sa Vietnam.