MANILA, Philippines - Plano ng Philippine CaÂnoe-Kayak Federation (PCKF) na ipakilala ang bagong dragonboat event na five-man crew para maÂdetermina kung may tsansa ang mga Pinoy paddlers sa gintong medalya sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.
Isinama ng Myanmar ang hindi kilalang five-man crew event sa traditional boat racing na maghaÂhanay ng tatlong gold meÂdals sa 2013 SEA Games na nakatakda sa Disyembre 11-22.
Sinabi ni coach Len Escollante na iniisip nilang magdaos ng tryout para sa mga Pinoy paddlers na isasabak sa SEAG.
Hihilingin ni Escollante sa Philippine Sports Commission na bumili ng isa o dalawang bagong bangka mula sa Thailand para sa five-member crew na nagkakahalaga ng P180,000 baÂwat isa.
Ipapanukala nilang magÂlaro sa darating na POC-PNG National Games bilang paghahanda sa Myanmar SEA Games.