Laro Ngayon
(San Juan Arena)
12 p.m. Cebuana Lhuillier vs Boracay Rum
2 p.m. Jumbo Plastic vs Fruitas Shakers
4 p.m. Big Chill vs NLEX
MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alaÂÂ nganin ang hangarin ng four-time defending champion NLEX na mapaÂnatili ang winning streak sa Big Chill sa pagbubukas ngayon ng PBA D-League Foundation Cup sa San Juan Arena sa Pasig City.
May limang sunod na panalo ang Road Warriors sa Superchargers mula noong semifinals ng 2012 Aspirants Cup.
Ang huling tagumpay ng NLEX ay nangyari sa Aspirants’ Cup noong NobÂyembre sa pamamagitan ng 91-67 demolisyon.
Ikatlong laro dakong alas-4 ng hapon matutungÂhayan ang bakbakan pero naniniwala si Road Warriors coach Boyet Fernandez na dehado sila sa labanan dahil hindi pa niya alam kung sisipot ang mga mahuhusay na players na sina Ian Sangalang, RoÂnald Pascual at RR Garcia.
Ang tatlo ay kinukuha ng ibang koponan bagay na ipinaglalaban ng Road Warriors.
“Until now, that’s the question that I can’t answer. Kung sino lang sisipot bukas, yon ang ilalaro ko,†wika ni Fernandez.
Kailangang makitaan ng bangis ang Road Warriors dahil ang bataan ni coach Robert Sison ay nais na manalo para maibsan ang pagkakasibak sa nakaÂraang conference.
“We also lost badly to NLEX last conference that is why we have prepared hard and hopefully we can give them a good fight,†wika ni Sison na nawalan din ng key players na sina John Brondial, Jessie Collado, Jonathan SeÂmira, Jam Cortez at Ryan Buenafe.
Ang batikang guard na si Terrence Romeo ay alanganin din.
Unang laro sa triple-heaÂder ay sa pagitan ng Cebuana Lhuillier at BoraÂcay Rum sa ganap na alas-12 ng tanghali bago sundan ng pagkikita ng baguhang Jumbo Plastic at Fruitas Shakers.
Nasa 12 koponan, kaÂsaÂma ang tatlong baguhan, ang magtatagisan sa conference at ang maÂngungunang anim na koponan matapos ang single round robin ay aabante at ang nasa ibaba ay mamamaalam agad.