DENVER -- Pinantayan ni Ty Lawson ang kanyang season high na 32 points, kasama rito ang 14 sa fourth quarter, para tulungan ang Denver Nuggets sa 111-88 paggupo sa Minnesota Timberwolves noong Sabado ng gabi.
Dumiretso ang Nuggets sa kanilang 13-game home winning streak na pinakamahaba nila matapos ang 14 years.
“We’ve all been playing better in the second half of the season and our record is showing that,†ani Lawson.
Nagdagdag naman si Corey Brewer ng 15 points, habang may tig-11 sina Danilo Gallinari at Andre Iguodala para sa Nuggets.
Umiskor si Mickael GeÂlabale ng 19 points para sa Timberwolves, naglaro na wala ang mga may injuÂry na sina Nikola Pekovic (abÂdominal strain), Kevin Love (broken hand), Andrei Kirilenko (strained left calf), Brandon Roy (knee surÂgery), Chase Budinger (knee) at Malcom Lee (knee).
Nag-ambag si J.J. BaÂrea ng 15 points, habang may 13 si Derrick Williams para sa Minnesota.
Nauna nang tinalo ng Timberwolves ang Nuggets, 101-97, noong Enero 3 sa kabila ng pagkawala ni Kevin Love dahil sa hand injury sa second half.
Matapos ang basket ni Williams na nagtabla sa laro sa 57-57, isang 14-2 atake ang ginawa ng Nuggets, kasama rito ang mga 3-pointers nina Gallinari at Lawson, para kunin ang 71-59 abante sa 5:02 sa third quarter.
Sa New York, sa kabila ng hindi paglalaro nina Carmelo Anthony at Amare Stoudemire dahil sa injury, nagawa pa rin ng Knicks na talunin ang Utah Jazz, 113-84.
Tumipa si J.R. Smith ng 24 points para sa tagumpay ng New York kontra sa Jazz.