NU Bulldogs bagong hari ng volleyball, dinomina ang Tams sa sudden death
MANILA, Philippines - Nakitaan ng angas ng paglalaro ang National University Bulldogs para huÂbaÂÂran ng korona ang Far Eastern University Tamaraws gamit ang 26-24, 25-22, 23-25, 25-19, panalo sa pagtatapos ng Season 75th UAAP mens volleyball kahapon sa Filoil Flying V Arena, San Juan.
Humataw ang 6-foot-3 na si Peter Torres ng 13 kills tungo sa 15 puntos para kunin din ang MVP award.
“Hindi nawala ang tiwala namin. Ang lahat ng pagÂhiÂhirap namin nagbunga laÂhat,†pahayag ni Torres, ibinigay sa Bulldogs ang kaÂnilang kauna-unahang korona sa volleyball.
“Tiyaga at tiwala lang upang mag-champion. Kailangang pagbutihan at kailangang mas mag-improve pa ang laro namin,†dagdag pa ng 19-anyos na si Torres.
Si Berlin Paglinawan ang nanguna sa Bulldogs sa 16 hits at 2 blocks para angkinin ang 2-1 tagumpay sa best-of-three finals.
Sa unang set pa lamang ay naipakita ng Bulldogs ang kanilang determinasyon nang bumangon mula sa 20-24 pagkakabaon nang kumana ng anim na sunod na puntos na tinampukan ng back-to-back aces ni Edwin Tolentino.
Mula rito ay hindi na nagÂÂbago pa ang laro ng NU kung saan na-blocked ni Paglinawan ang atake sa net ng FEU hitter na si Arvin Avila para biguin ang tangka ng Morayta-based spikers na kunin ang ika-26 titulo.
Ito na ang huling laro na pinaglabanan sa UAAP at ang NU ay nagkaroon ng apat na titulo.
Bukod sa volleyball, kampeon din ang Bulldogs sa mens badminton, beach volley at lawn tennis.
- Latest