^

PSN Palaro

Ano’ng nangyayari sa TNT?

FREE THROWS - AC Zaldivar - Pilipino Star Ngayon

Kailan  ba natalo ng dalawang sunod ang Talk ‘N Text?

Parang hindi ko na maalala, e. Pero tiyak na hindi ito nangyari sa kasalukuyang season sa ilalim ni coach Norman Black na humalili sa dating coach na si Vincent “Chot” Reyes.

Paminsan-minsan lang kasi natatalo ang Talk ‘N Text. At kapag natalo ang Tropang Texters ay pala­ging nakakabalik kaagad sa win-column. Palaging bumabangon.

Kaya nga nakakagulat ang pangyayaring natalo ng dalawang sunod ang Tropang Texters sa kasalukuyang Commissioner’s Cup.

Naitala ng defending champion San Mig Coffee ang kauna-unahang panalo nito sa torneo sa pamamagitan ng 90-82 tagumpay laban sa Talk ‘N Text noong Pebrero 24.

Makalipas ang limang araw, dinurog naman ng Alaska Milk ang Talk ‘N Text, 92-69. Iyon ang ikalimang sunod na panalo ng Aces. Dahil doo’y bumagsak ang Tropang Texters sa kartang 2-3. Natalo din kasi sila sa Meralco sa kanilang unang laro ng torneo (99-92).

Kung tutuusin nga, iisa lang ang convincing na panalo ng Talk ‘N Text sa unang limang games nito sa torneo. Ito’y kontra Globalport, 99-79 noong Pebrero 20.

Bago ang panalong ito’y tinakot pa sila ng Air21 bago nakalusot, 86-83 noong Pebrero 15.

So, parang hindi maganda ang kampanya ng Tropang Texters na naghahangad na maisubi ang ika­lawang sunod na titulo matapos na magkampeon sa nakaraang Philipine Cup kung saan winalis nila sa Finals ang Rain or Shine, 4-0.

Para kasing nawala ang pagiging dominante ng Tropang  Texters.

Hindi tuloy maiwasang itanong kung tama ba sa kanila ang kanilang kinuhang import na si Keith Benson.

Pagkatapos kasi ng unang dalawang games ng Tropang  Texters ay may narinig tayong usapin na iniisip ng coaching staff na palitan si Benson. Pero hindi naman ito ginawa at nanatili si Benson sa kanyang pusisyon. Kahit paano’y disente naman ang mga numero ni Benson na sa limang games ay may average na 23.6 puntos, 15.8 rebounds, 0.6 assist, 1.8 steals, 2.4 blocked shots at 2.2 errors sa 37.6 minuto.

Hindi naman siguro kailangan ng Talk ‘N Text ng isang dominanteng import dahil sa matindi nga ang local cast ng koponan. Reigning Philipine Cup champion nga, hindi ba?

So, baka sa mga locals ang problema?

Kasi, iisang local ang may average na double fi­gures sa scoring at ito’y si Jayson Castro na siyang Best Player ng nakaraang Philippine Cup. Parang expected na kay Castro ang performance na ito lalo’t maituturing na siya ang leading contender para sa Most Valuable Pla­yer award base sa karangalang natamo niya sa nakaraang torneo.

Kumbaga, talagang gusto ni Castro na pumukpok dahil sa nakataya kung sakali ang MVP award. Abot kamay niya ito at kung magpapabaya siya’y baka hindi niya ito maiuwi.

Pagod na ba? Sawa na ba? Ano nga ba ang kalagayan ng ibang Tropang Texters. Kasi’y nagsibabaan ang mga numero nila.

Mamaya’y makakaharap ng Talk  N  Text ang Ba­ra­ko Bull  na gaya nila’y galing sa back-to-back na -pagkatalo. Isa sa kanila ang papatid sa losing skid, isa ang patuloy na mababaon.

Kailan ba natalo ng tatlong sunod ang Tropang Texters?

Lalong hindi ko maalala!

ALASKA MILK

BENSON

N TEXT

PEBRERO

TEXTERS

TROPANG

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with