MANILA, Philippines - Matapos ang masinsiÂnang pagsasanay, idinekÂlara ng limang boksingero na lalaban sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships ang kanilang kahandaan na balikatin ang laban ng Pilipinas.
Sina Jade Bornea (49kgs.), Ian Clark Bautista (52kgs), Jonas Bacho (56kgs.), James Palicte (60kgs.) at Eumir Felix Marcial (64kgs.) ang tinapik ng ABAP para banggain ang matitikas na boksingero ng ibang nasyon sa isang linggong kompetisyon na idaraos sa Subic Gym.
“They’re all products of our extensive grassroots development program. Most of them have competed overseas and I’m fairly optimistic they will do well against their counterpart in the region,†ani ABAP president Ricky Vargas.
Nasa 26 bansa ang inaÂasahang sisipot sa komÂpetisyong lalarga mula Marso 11 hanggang 17 at ito ang pinakamalaking international tournament na gagawin sa bansa sa kapanahunan ni Vargas.
Ang mata ay tiyak na nakatuon kina Marcial at Bornea na nanalo ng medalya sa nilahukang malaking torneo sa labas ng bansa.
Isang World junior champion si Marcial noong 2011 habang nanalo ng bronze medal si Bornea sa World Youth Boxing Championships sa Armenia noong Disyembre.
Hindi naman padadaig sina Bautista at Bacho dahil ang una ay nanalo ng pilak sa President’s Cup noong 2011 habang si Bacho ay isa sa limang boksingero na nakahablot ng ginto sa Kuala Lumpur City Day Tournament noong Enero.
Mangunguna sa mga malalakas na bansa na sasali ay ang China, mga dating kasama ng Soviet Republic at ang mga bansang nasa Middle East.
Inaasahang magiging matagumpay ang komÂpetisÂyong isinasagawa sa pagtutulungan ng PLDT-ABAP at Subic Bay Metropolitan Authority dahil na rin sa suporta ng PLDT, Smart, NLEX, Maynilad, Clarktel, Subictel, DOT Tourism ProÂmotion Board, Videogear Inc. Exile Lights and Sound, Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.