MANILA, Philippines - Naipagpatuloy ni top seed Filipino netter Albert Lim Jr. ang magandang laro pero minalas na natalo si Fil-British Meredith Jones sa pagpapatuloy kahapon ng Ajay Pathak Memorial Cup ITF 14-Under DeÂvelopÂmental Championship Division I sa Rizal Memorial Tennis Center.
Hindi umubra si seÂventh seed Charles RoÂberts ng Thailand sa matibay na hataw ni Lim tungo sa 6-2, 6-2, panalo para umabante ang 13-anyos na NCAA MVP sa semifinals.
Sunod niyang susuÂbukin ay si fifth seed Parikshit Somani ng India na pinatalsik ang unseeded na si Lee Wai Leuk ng Hong Kong, 6-0, 6-4.
Natapos naman ang pagpapakita ng galing ng eight seed na si Jones nang bumagsak kay fourth seed Jang Eunse ng Korea, 6-1, 6-2.
Bunga ng pagkatalo ni Jones, wala ng Pinay na kasali sa torneong iniaalay para sa namayapang ITF at Philta official Ajay Pathak at suportado ng ITF Grand Slam Development Fund at ng Philippine Tennis AcaÂdemy.
Ang isang semifinals sa boys division ay sa pagitan ng number two Vorachon Rakpuangchon ng Thailand at number three Sou Ming Chuan Alan ng Hong Kong.
Nanalo si RakpuangÂchon kay Vashisht Cheruku ng India, 6-2, 6-3, habang si Alan ay nangibabaw kay sixth seed Nitin Kumar Sinha ng India, 6-4,7-5.