MANILA, Philippines - Darating ngayon ang delegasyon ng Uzbekistan habang ang Turkmenistan at Sri Lanka ay lalapag sa bansa sa Sabado upang pangunahan ang mga dayuhan na sasali sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships sa Subic Gym mula Marso 10 hanggang 17.
Inaasahang kasama ng Uzbek youth team si Mars Kucharov, ang beteranong coach na nakatulong sa pagbibigay ng pilak na medalya sa Korean boÂxing team sa ginanap na London Olympics.
Ang maagang pagdaÂting sa Pilipinas ng tatlong bansang ito ay patunay sa kanilang pagnanais na makapagtala ng magandang laban sa kompetisyon.
“Obviously, they want to acclimatize early which is a sure sign of their earnest desire to win,†pahayag ng pangulo ng ABAP na si Ricky Vargas.
Sa Linggo inaasahang darating ang iba pang saÂsali sa pangunguna ng maÂlalakas na bansa na China, North Korea at Kazakhstan.
Nasa 26 bansa ang inaasahang makikipagpalitan ng suntok sa kompetisyong may basbas ng Asian BoÂxing Confederation at ng international body na AIBA.
Patunay nito ay ang pagdating sa bansa nina AIBA president Dr. Ching-Kuo Wu at ni ASBC president Gofur Rakhimov ng Uzbekistan para pangunahan ang opening ceremonies sa Lunes.
Limang boksingero ang kakatawan sa host country at ito’y sina Jade Bornea (49kgs), Ian Clark Bautista (52kgs), Jonas Bacho (56kgsZ), Eumir Felix Marcial (64kgs) at James Palicte (60kgs).
Sa Subic International Hotel gagawin ang technical meeting sa linggo habang ang general weigh-in at official draw ay itinakda kinabukasan.