3 riders kampeon sa Red Horse Beer extreme bike

MANILA, Philippines -  Nagwagi sina James Lang, Jon Castillo at Paul Diaz sa nakaraang Urban Extreme Sports Challenge ng Red Horse Beer Pambansang Muziklaban grand finals kamakailan sa Pasay City.

Nakopo ni Lang ang titulo sa BMX half pipe ca­tegory habang nasungkit naman nina Castillo at Diaz ang mga titulo sa mountain bike box jump at BMX box jump, ayon sa pagkakasunod. Nanalo sila ng cash prizes mula sa Red Horse Beer, ang  No. 1 extra strong beer sa buong bansa.

Tinalo ni Lang sina Hanry Chan, Dan Lopez, Paul Diaz, Johnty Claraval, Eboy Farr at  Taj Trinidad habang si Castillo naman ay nanalo kina Farr, Trinidad, Max Galsim at Ej Serabia.

Makakakuha sana ng pangalawang titulo si Lang kung hindi siya pinigilan ni Diaz. Tinalo rin ni Diaz sina Noli Baga, Mike Oliveros, Daboi Pineda at Dairella Elias para sa titulo ng BMX box jump.

Samantala, nagkampeon ang bandang A Music Theory sa the Red Horse Beer Pambansang Muzik­laban 2012 grand finals. Nag-uwi sila ng P500,000 cash kasama pa ang exclusive recording contract. Ang banda ay binubuo nina Cholo Pabalan, JC Santos, Lorce Manaois at John Jo Presingular.

Napanalunan naman nina Walther Calderon ng Taguig ang Vulcan 900 cc motorcycle na nagkakahalaga ng halos P1 milyon.

 

 

 

 

 

Show comments