^

PSN Palaro

Baste sa Junior division Bedans NCAA senior champion

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ang panalo ng San Be­da sa larong football ang nagselyo sa paaralan ng general championships sa senior division sa NCAA.

Kumubra ng 538 kabuuang puntos ang Red Lions para angkinin ang number one spot sa 88th season ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.

“It’s a proud accomplish­ment of the school and a tribute to San Beda’s sports program. Of course, the team wouldn’t have done it without the support of the school, all our patrons and supporters,” wika ni San Beda  Mancom representative Jose Mari Lacson.

Bukod sa football na pinagharian sa ikatlong sunod na taon, nanalo rin ang San Beda sa basketball, men’s at women’s swimming at  men’s table tennis.

Ito ang ika-17th titulo ng Lions sa basketball at kasama ang kampeonato sa swimming at table tennis ay nagbigay ng kabuuang 50 puntos na nakatulong sa pagkumpleto sa 3-peat sa General Championships.

Pumangalawa ang St. Benilde sa 502 puntos habang ang San Sebastian, Perpetual Help, Arellano, Letran, Emilio Aguinaldo College, Lyceum, Jose Rizal University at Mapua ang kumumpleto sa talaan ng pagtatapos.

Sa juniors division, ang Staglets ang lumabas bilang pinakamahusay sa ikaapat na sunod na taon.

“We got to give it to our athletes who worked and trained hard to achieve this feat,” pahayag ni San Sebastian athletic director Frank Gusi.

Nanalo ang Staglets sa track and field ay nagkaroon ng 295 puntos at angat lamang ng isang puntos sa Letran (294).

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FRANK GUSI

GENERAL CHAMPIONSHIPS

JOSE MARI LACSON

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with