^

PSN Palaro

Ylanan, Calamba at dragon boat team pararangalan ng PSA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bibigyan ng major awards ng Philippine Sports­writers Association (PSA) sina karateka Princess Joanna Mae Ylanan, taekwondo jin Mikaela Calamba at ang national dragon boat team.

Sina Ylanan, Calamba at ang dragon boat squad ay ilan lamang sa mga personalidad na pararangalan sa PSA-Milo Annual Awards Night sa Marso 16 sa grand ballroom ng Manila Hotel.

Inangkin ng 20-anyos na si Ylanan ng Tacloban City ang gold medal sa World Karatedo Federation Karate World Cup sa Busan, South Korea matapos magreyna sa women’s -68 kg kumite noong Agosto.

Nagdomina naman ang dragon boat team ng Philippine-Canoe Kayak Federation (PCKF) sa paghakot ng anim na gold medals sa 2012 ICF Dragon Boat World Championships sa Milan, Italy para maging overall champion ng torneo.

Bago matapos ang taon, kinilala ang 15-anyos na si Calamba bilang unang Filipina individual na kumuha ng gold sa World Taekwondo Poomsae Championship nang pamahalaan ang women’s individual freestyle sa 7th edition nito sa Tunja, Colombia.

Si super-bantamweight world title holder Nonito Donaire Jr. ay makakasama ni boxer Josie Gabuco, ang world champion Manila softball team at ang five-time UAAP title holder Ateneo de Manila bilang co-winners ng PSA Athlete of the Year award.

 

vuukle comment

ATHLETE OF THE YEAR

CALAMBA

DRAGON BOAT WORLD CHAMPIONSHIPS

JOSIE GABUCO

MANILA HOTEL

MIKAELA CALAMBA

MILO ANNUAL AWARDS NIGHT

NONITO DONAIRE JR.

PHILIPPINE SPORTS

PHILIPPINE-CANOE KAYAK FEDERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with