Iba si Macklin!
Normal naman daw para sa mga naging head coaches ng Barangay Ginebra San Miguel na dumaan muna sa losing streaks bago magtala ng panalo sa kanilang unang conference.
Ito ang pahayag ng isang opisyal ng koponan matapos na magwagi ang Gin Kings kontra Barako Bull, 93-72 noong Miyerkules.
Kasi nga raw ay hindi naman nanalo kaagad sa kani-kanilang first game bilang coach ng Barangay Ginebra San Miguel sina Allan Caidic, Bethune “Siot†Tanquingcen at Joseph Uichico. Sa tatlong nabanggit, si Caidic ang may pinakamahabang losing streak dahil natalo ito sa unang walong games bago nagposte ng panalo. Si Tanquingcen ay nagkaroon ng five-game losing streak.
So, hindi naman talaga nag-alala ang pamunuan ng Barangay Ginebra San Miguel nang maupo bilang head coach ng koponan si Alfrancis Chua sa umpisa ng PBA Commissioner’s Cup at mapagtatalo.
Nagsimula ang kampanya ng Gin Kings sa ilalim ni Chua sa pamamagitan ng 74-70 kabiguan buhat sa Air21 Express noong Pebrero 10.
Nasundan ito ng mga pagkatalo buhat sa Globalport (89-80), Petron Blaze (1-5-90) at Alaska Milk (84-69).
Bale four-game losing skid iyon.
At least daw ay hindi naman nagpantay ang record ni Chua at Tanquingcen dahil mapatid sa apat ang talo.
Sa totoo lang, ine-expect sana ng karamihan na sa tatlo lang ay mapapatid na ito. Kasi, matapos ang taltong talo ay pinauwi ng Gin Kings ang kanilang original import na si Herbert Hill na sa pananaw ng karamihan sa mga fans ay “walang kakwenta-kwenta.â€
Pinarating ng Gin kings bilang kapalit si Vernon Macklin na isang standout buhat sa NBA D-League. Naglaro si Macklin kontra Alaska Milk pero natalo nga ang Gin Kings sa kanilang unang game.
Understandable naman daw iyon. Kasi kadarating lang ni Macklin. Pagkatapos ay out-of-town game pa kaagad ang sinabakan niya dahil sa Mindanao Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte ginanap ang laban dalawang Sabado na ang nakalilipas. Biruin mong hindi air conditioned ang venue. Natural na maninibago si Macklin. Hindi pa nga siya sanay sa klima ng Pilipinas, tapos mainit na kaagad ang nilaruan niya. E, hindi pa rin niya kilala ang kanyang mga kakampi.
So, kahit paano’y puwedeng patawarin si Macklin.
Sa sumunod na laban ng Gin Kings kontra Barako Bull ay lumabas na nga ang galing ng kanilang bagong import. Dahil dito ay nahawa at na-inspire ang mga locals. Hayun at maganda ang itinakbo ng Gin Kings kontra sa Energy.
Ayon kay Chua, si Hill ang pinakamalaking diperensiya sa kanyang dalawang import.
“Si Hill, ang tagal na dito sa Pilipinas. Dapat sanay na siya sa playing condition. Pero konting laro lang, titiÂngin na sa akin at sasabihin na gusto niyang lumabas at magpahinga,†ani Chua.
“Si Macklin iba. Nakikita kong pagod na. Tatapik ako ng local para palitan siya. Titingin sa akin at sasabihin na kaya pa niyang maglaro. Doon pa lang ay kita na ng locals ang desire ni Macklin. E, sino pa ang aayaw na maglaro?â€
Mukhang nakuha na nga ng Gin Kings ang import na makakatulong sa kanila.
- Latest