Unang sultada ng Sinclair Paints BSL gagawin sa Davao, Bicol

MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa Sinclair Paints Basketball Super League sa Davao at Bicol Region sa susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni organizer Darren Evangelista sa isinagawang Davao Sportswriters Forum kama­kailan.

Ayon kay Evangelis­ta, ang mananalo sa Under-22 tournament na may basbas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang aabante sa regional finals.

May isasagawang ka­pa­rehas na torneo sa Cagayan de Oro, Zamboanga, Bacolod, Cebu City, Ilocos, Laguna, Cavite at National Capital Region.

Ang hihirangin bilang regional champion ay ta­tanggap ng all-expenses paid trip patungong Manila para sa National Finals mula Mayo 30 hanggang Hunyo 22. Ang tatangha­ling kampeon ay may pa­buyang P100,000.00 habang P75,000.00 ang papangalawa.

Ang mga kukumpleto sa semis ay may P50,000.00 at P25,000.00 premyo.

Inilagay sa P15,000.00 kada koponan ang registration fee na katatampukan ng P15,000.00 cash at P500.00 halaga ng produkto ng Sinclair na nabili.

Ang mga magnanais na sumali ay puwedeng ta­wagan sina Jojo Manaloto (0915-3270543) sa Luzon, Rey Canete (0921-3149321) sa Visayas, Rael Diaz (0921-3903659) sa Davao) at Dong Gonzales (0917-9021773) sa Ge­neral Santos City.

Show comments