Kobe nagpasiklab sa panalo ng Lakers

LOS ANGELES -- Sini­mulan ng slam dunk ni Kobe Bryant laban kay Nikola Pekovic sa kanilang ikalawang posesyon, ka­agad na lumamang ang Lakers at hindi na nili­ngon pa ang Minnesota Timberwolves patungo sa kanilang 116-94 panalo noong Huwebes ng gabi.

Tumapos si Bryant na may 33 points at nagdagdag naman ng 17 si Antawn Jamison para sa pang-21 sunod na panalo ng Lakers kontra sa Timberwolves.

Naipanalo ng Lakers (29-30) ang 12 sa kanilang huling 17 laro at makalapit sa Houston para sa huling playoff spot sa Western Conference.

Tumipa sina Bryant at Jodie Meeks ng apat sa kabuuang 16 three-pointers ng Los Angeles.

Nagtala si Meeks ng 16 points, habang humugot naman si Bryant ng 22 points sa first half para sa Lakers na sinamantala ang hindi paglalaro sa Timberwolves ni Andrei Kirilenko, may strained right calf injury.

Nagposte si J.J. Barea ng 20 points at may 19 si Luke Ridnour para sa Timberwolves, nalasap ang kanilang ikaapat na sunod na kabiguan.

Kumolekta naman si Ricky Rubio ng 13 points, 13 assists at 8 rebounds para sa Minnesota, hindi pa nananalo laban sa Lakers sapul noong Disyembre 2, 2005.

Show comments