^

PSN Palaro

Mag-pokus sa Olympic sports--JV training ng atleta i-prayoridad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibilang na si United Na­­tionalist Alliance (UNA) se­natorial candidate at San Juan Rep. JV Ejercito Estrada sa mga perso­nalidad na naghahangad ng kauna-unahang gold me­dal ng Pilipinas sa Olym­pics Games.

 Hinimok kahapon ni Ejercito Estrada ang mga pangunahing sports lea­ders ng bansa na gawing prayoridad ang pagsasa­nay ng mga atleta para ma­kamit ang mailap na Olympic gold medal.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga atleta sa iba’t ibang international competitions, kasama na dito ang 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.

Nakatakda ang nasabing biennial sports meet sa Disyembre 11-22.

Ngunit posibleng magpadala ang Philippine Olympic Commitee at Phi­lippine Sports Commission ng maliit na delegasyon bunga ng pagtatanggal ng Myanmar ng 16 sa 36 sports na pinagkunan ng mga Pinoy ng gintong medalya sa 2011 SEA Games sa Indonesia.

Sinabi naman ni Ejercito Estrada na dapat magpadala ang POC at ang PSC ng ‘lean but mean’ delegation sa Myanmar SEA Games.

“We should focus on training athletes that can win the gold in the SEA Games,” wika pa ng 43-anyos na si Ejercito Estrada, ang senatorial bet para sa May 13 elections.

May 33 events para sa Myanmar SEA Games, ngunit tinanggal ng Myanmar ang mga Olympic sports na kagaya ng water polo, badminton, gymnastics, table tennis at lawn tennis kung saan malaki ang tsansa ng mga Filipino athletes na manalo.

 Idinagdag ng Myanmar ang mga non-traditional events na vovinam, tarungderajat, kempo at chin lone.

 

EJERCITO ESTRADA

MYANMAR

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITEE

SAN JUAN REP

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS COMMISSION

UNITED NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with