MANILA, Philippines - Ipinamalas uli ni Dennis Orcollo ang kahusayan sa paggamit ng slow break upang angkinin ang titulo sa 17th Jay Swanson Memorial 9-Ball Tournament sa Hard Times Billiards sa Belflower California kamakailan.
Hindi natalo si Orcollo sa kabuuan ng torneo at hiniya sa finals si Jayson Shaw ng United Kingdom sa race-to-13 finals sa dominanteng 13-3 iskor.
Dalawang beses na hinarap ni Orcollo si Shaw sa torneo at ang una ay para sa hot seat na kung saan nanalo rin ang Filipino cue-artist.
Nakuha ni Shaw ang karapatang lumaban sa titulo nang manaig kay RodÂney Morris ng USA.
Sa finals, si Shaw ang nanalo sa lag at makuha ang unang laban pero naiÂsuko ang second game para sa 1-1 tabla.
Mula rito ay inilabas ni Orcollo ang husay sa soft break na siyang gusto ng mesang pinaglabanan tungo sa madaling panalo.
Kinabig ni Orcollo ang unang gantimpala na nagkahalaga ng $3000.
Nakontento si Shaw sa $1,500.00 habang $1000.00 ang binitbit ni Morris.
Ito rin ang ikalawang paÂnalo sa taon ni Orcollo matapos pagharian ang Derby City Classic Bigfoot 10-ball Challenge at ibulsa ang $20,000.00 premyo.
Matapos ang limang torÂneo, ang dating number one pool player sa munÂdo ay kumabig na ng kabuuang $43,000.00 premyo.