MANILA, Philippines - Inakusahan ni National pistol champion NathaÂniel “Tac†Padilla si Ronald Robles na gumagawa ng iregularidad upang hiliÂngin sa Philippine Olympic Committee (POC) na huwag pahintulutan na maÂtuloy ang gaganaping Philippine National ShooÂting Association (PNSA) election ngayong Sabado (Marso 2).
Ilan sa ipinuntos ni Padilla kay Robles ay ang pagsusumite nito ng talaan ng mga botante na hindi aprubado ng PNSA Board.
Nagpasa rin umano ng master list ng miyembro sa POC si Robles na walang pirma ng PNSA president o secretary-general na hindi sang-ayon sa alituntunin ng POC.
Si Robles ang iniupo bilang chairman ng Comelec ng PNSA at siya sanang mangunguna sa matiwasay na halalan na kakikitaan ng pagbaba na rin sa puwesto ng nakaupong pangulo na si Mikee Romero.
Si Romero ay mamamaalam na dahil kulang na ang kanyang panahon para pagsilbihan ang PNSA dahil sa ibang pinagkakaabalahan.
Pero sa pangyayaring ito, malamang na manatili pa siya sa loob ng ilang buwan o hangga’t hindi naidaraos ang isang halalan.
Si Padilla ay sumulat kay POC president Jose Cojuangco Jr. noong Pebrero26 para aksiyonan ang kanyang hinaing.
Hinimok din niya ang POC na siya ang mangasiwa sa eleksyon upang matiyak na magiging maÂayos ito.
Nagkaroon na ng iriÂngan sina Padilla at Robles nang ihayag ng huli na tatanggalin niya ang pangalan ng una bilang botante dahil sa mga lumabas na isyu na iniimpluwensyahan niya ang ibang kasapi ng PNSA para iboto ang minamanok sa halalan.
Ngunit ang lahat ng ito ay pinabulaanan ni Padilla.