MILWAUKEE--HinaÂnap ni Al Horford si Devin Harris para pasahan sa papaubos ng kanilang oras sa fourth quarter kung saan nahuhuli ang Atlanta Hawks ng isang puntos.
Habang nadipensahan ng Milwaukee Bucks si Harris, isinalpak naman ni Horford ang isang baby hook laban kay Larry SanÂders, nangunguna sa liga sa blocked shots per game, sa huling 5.9 segundo para iligtas ang Hawks kontra sa Bucks, 103-102, noong Sabado ng gabi.
“I was trying to get Devin a handoff,’’ wika ni Horford.
Bago ang tirada ni Horford para sa Hawks, isang driving layup ni Monta Ellis ang nagbigay sa Bucks ng 102-101 bentahe sa natitirang 10.8 segundo.
Naimintis ni Ellis ang kanyang running shot sa pagtunog ng final buzzer.
Tumapos si Horford na may 23 points at 11 reÂbounds, habang nag-ambag si Jeff Teague ng 23 markers at 9 assists kasunod ang 21 points ni Harris para sa Atlanta.
Naglaban ang Atlanta at ang Milwaukee sa 18 lead changes at nagtabla ng 13 beses.
Umiskor si Ersan IlyaÂsova ng19 points at may 16 naman si J.J. Redick para sa Bucks.