^

PSN Palaro

Horford iniligtas ang Hawks

Pilipino Star Ngayon

MILWAUKEE--Hina­nap ni Al Horford si Devin Harris para pasahan sa papaubos ng kanilang oras sa fourth quarter kung saan nahuhuli ang Atlanta Hawks ng isang puntos.

Habang nadipensahan ng Milwaukee Bucks si Harris, isinalpak naman ni Horford ang isang baby hook laban kay Larry San­ders, nangunguna sa liga sa blocked shots per game, sa huling 5.9 segundo para iligtas ang Hawks kontra sa Bucks, 103-102, noong Sabado ng gabi.

“I was trying to get Devin a handoff,’’ wika ni Horford.

Bago ang tirada ni Horford para sa Hawks, isang driving layup ni Monta Ellis ang nagbigay sa Bucks ng 102-101 bentahe sa natitirang 10.8 segundo.

Naimintis ni Ellis ang kanyang running shot sa pagtunog ng final buzzer.

Tumapos si Horford na may 23 points at 11 re­bounds, habang nag-ambag si Jeff Teague ng 23 markers at 9 assists kasunod ang 21 points ni Harris para sa Atlanta.

Naglaban ang Atlanta at ang Milwaukee sa 18 lead changes at nagtabla ng 13 beses.

Umiskor si Ersan Ilya­sova ng19 points at may 16 naman si J.J. Redick para sa Bucks.

vuukle comment

AL HORFORD

ATLANTA HAWKS

DEVIN HARRIS

ERSAN ILYA

HORFORD

JEFF TEAGUE

LARRY SAN

MILWAUKEE BUCKS

MONTA ELLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with