MANILA, Philippines - Maaari pang mabasura ang unification fight nina unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Cuban titlist Guillermo Rigondeaux sa Abril 14 (Manila time) sa Radio City Music Hall sa New York.
Ito, ayon kay Donaire, ay kung patuloy na ibibitin ni Rigondeaux ang pagsusumite ng kanyang pirmadong form para sa pagsailalim sa random drug testing ng Voluntary Anti-Doping Agency (VADA).
“ADMIN: as of 745 PST Pedro Diaz claimed he provided VADA w/ everything they need. VADA statd “WE HAVE NT RECEIVED ANY INFORMATION 4 Rigo,†sabi ni Donaire sa kanyang Twitter account.
Sa tuwing may laban si Donaire ay boluntaryo siyang sumasailalim sa drug testing sa VADA para patunayan na wala siyang ginagamit na Performance-Enhancing Drugs (PEDs).
Napagkasunduan na nina Donaire at Rigondeaux, ang two-time Olympic Games gold medalist para sa Cuba, na sasailalim sila sa drug testing ng VADA bago ang kanilang laban.
Ilalatag ni Donaire (31-1, 20 knockouts) ang kanyang mga suot na World Boxing Organization at International Boxing Federation titles kontra kay Rigondeaux, ang World Boxing Association ruler.