MANILA, Philippines - Inaasahang dadagsain ng mga riders ang pagbabalik ng aksyon sa Kopiko Astig 3-in-One Supercross Series 2013 sa Marso 9-10 sa Bais City, Negros OrienÂtal.
Mas kapana-panabik ang paglulunsad ngayon ng naturang karera kung saan puntirya ng organizers na mahigitan ang tinamong tagumpay ng unang itinanghal ang karera sa South Road Properties sa Cebu noong nakaraang Enero.
“It is very gratifying that more riders especially from the south would like to join the series,†wika ng beteranong race organizer na si Jonas Adlawan, pangulo ng Man & Machine Racing Promotions.
Nagdesisyon ang orgaÂnizers na ganapin sa suÂsunod na buwan ang second leg upang mabigÂyan ng sapat na pagkakataon ang mga kalahok na makapaghanda at maÂkapag-ensayo kontra sa inaasahang mabigat na laban ng mga foreign riders.
Sa Cebu, umabot sa 39 koponan ang sumabak sa torneo kabilang ang 10 koponan ng Mindanao sa pangunguna ng Team Pacquiao na pinangangasiwaan ni eight-time world boÂxing champion Manny Pacquiao at kaibigan/traiÂnor na si Buboy Fernandez.
Inaasahang babawi sina 2012 Danish Rider of the Year Mathias Jorgensen, runner-up sa Cebu leg, sa kababayang si world No. 6 Niklaj Larsen.