LOS ANGELES--UmisÂÂkor si Kobe Bryant ng 40 points, habang nagÂtala naman si Dwight Howard ng 19 points at 16 rebounds para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 111-107 panalo kontra sa Portland Trail Blazers noong Biyernes ng gabi.
Humugot si Bryant ng 11 points sa huling 5:30 minuto at nakamit ng LaÂkers ang kanilang pang-pitong panalo sa huli nilang 10 laro.
Nagdagdag si Antawn Jamison ng 16 points mula sa bench para ipalasap sa Portland ang season-worst nitong pang-pitong dikit na kamalasan.
Natalo ang Trail Blazers sa kanilang limang road games at 10 sa kanilang huling 11 asignatura sa laÂbas ng Rose Garden.
Nagposte si J.J. Hickson ng 22 points at 11 rebounds para sa Portland, habang tumipa din ng 22 markers si Nicolas Batum at tumapos si two-time All-Star LaMarcus Aldridge na may 15 points.
Sa Oklahoma City, nagbida sina All-Star Russell Westbrook at Kevin Durant para ipanalo ang Oklahoma City Thunder, 127-111, kontra sa Minnesota Timberwolves.
Tinapos ng Thunder ang kanilang three-game losing slump.
Nagposte si Westbrook ng season-high 37 points, haÂbang nag-ambag ng 27 si Durant para sa Oklahoma City, naiwasan na matalo ng apat na sunod sapul noong Abril ng 2009.
Nagdagdag din si Westbrook ng siyam sa kabuÂuang 28 assists ng Thunder.