Rigondeaux pumirma na

MANILA, Philippines - Sa pagpirma ni Cuban titleholder Guillermo Rigondeaux ng form para sa random testing ng per­formance-enhancing drugs (PEDs) sa Voluntary Anti-Doping Agency (VADA), nangako si unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ng magandang laban sa Abril 14 (Manila time) sa Radio City Music Hall sa New York.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lalaban si Donaire (31-1, 20 knockouts) sa Radio City Music Hall matapos noong Oktubre ng 2010 kung saan niya tinalo ang puro depensang si Omar Narvaez.

Hindi lamang si Rigondeaux (11-0, 8 KOs) ang humahamon kay Donaire.

“They’re saying that they’re gonna go after me, they’re gonna make it exciting, they’re gonna use power, pressure me and whatnot. We’ll see,” wika ni Donaire.

Halos isang oras ang sinayang ng kampo ni Ri­gondeaux bago pirmahan ang naturang form ng VADA sa harap ni New York State Athletic Commission head Melvina Lathan,

“He signed it but how can you get a hold of him if there’s no phone numbers? They signed the contract and they’re willing to do it. It’s not about that I’m doub­ting if he’s dirty, it’s more of this is what this guy (agreed to),” ani Donaire kay Rigo.

Itataya ni Donaire ang kanyang mga bitbit na World Boxing Organization at International Boxing Federation titles, habang isusugal ni Rigondeaux ang kanyang World Boxing Association crown.

Tiwala ang manager ni Rigondeaux na si Gary Hyde na tatalunin ng Cuban two-time Olympic Games gold medalist si Donaire.

 

Show comments