HOUSTON --Sa waÂkas ay tinalo na din ni JaÂmes Harden ang kanyang dating koponan noong Miyerkules ng gabi.
Umiskor si Harden ng career-high 46 points at nagdagdag ng 29 si JeÂremy Lin para tulungan ang Houston Rockets sa 122-119 paggupo kontra sa Oklahoma City Thunder.
Sa iba pang resulta, tinalo ng Memphis ang Toronto, 88-82; ginapi ng Detroit ang Charlotte, 105-99; pinasadsad ng Indiana ang New York, 125-91; pinigil ng Cleveland ang New Orleans, 105-100; pinayukod ng Miami ang Atlanta, 103-90; ginitla ng Minnesota ang Philadelphia, 94-87; giniba ng Dallas ang Orlando, 111-96; pinatid ng Golden State ang Phoenix, 104-92; at binugbog ng Los Angeles Lakers ang Boston Celtics, 99-80.
Bumangon ang Houston mula sa isang 14-point deficit sa huling pitong minuto sa fourth quarter.
Ginamit ng Rockets ang isang 21-4 atake para agawin ang unahan sa 114-111 sa huling 1:46.
Tumipa si Harden, dinala ng Oklahoma City sa Houston bago magsimula ang season, ng isang basket kasunod ang dalawang free throws ni Serge Ibaka para sa Thunder.
Ang tres ni Lin ang nagbigay sa Rockets ng 119-113 kalamangan.
Nailapit ni Russell WestÂbrook ang Oklahoma City sa tatlong puntos ngunit nagsalpak naman si Lin ng isang free throw upang selyuhan ang panalo ng Houston.
Samantala, nakuha ng Houston Rockets sina No. 5 pick Thomas Robinson at forwards Francisco Garcia at Tyler Honeycutt mula sa Sacramento kapalit nina forward Patrick Patterson, center Cole Aldrich at point guard Toney Douglas noong Miyerkules.
Dinala rin ng Rockets si forward Marcus Morris sa Phoenix para sa isang future second-round pick.
Nilisan nina Patterson, Aldrich at Douglas ang ToÂyota Center sa pagsisimula ng laro ng Houston at Oklahoma City.
Tangan ng Rockets ang No. 8 spot sa Western Conference.
Nakita ang 6-foot-9 na si Patterson sa 38 laro ng Houston ngayong season at ang fourth-leading scorer ng Rockets.
Nagtala siya ng aveÂrage na 11.6 points.