Winalis ang Arellano sa NCAA football: 3-peat sa Lions booters
MANILA, Philippines - Kinalos ng San Beda ang Arellano University, 2-0, para angkinin ang 88th NCAA men’s football na pinaglabanan kahapon sa ASCOM Field sa Taguig City.
Si Niel Dorimon at Miguel Caindec ang mga umiskor sa Red Lions sa first at second half para pangunahan ang paglapa ng koponan sa Chiefs.
Ito ang ikatlong sunod na titulo ng San Beda at ika-20 sa pangkalahatan. Kailangan pa nila ng isa upang pantayan ang daÂting kasapi na La Salle sa paramihan ng titulo sa football sa NCAA.
“Plano talaga namin na maging agresibo at kunin ang lahat ng pagkakataon na ibibigay sa amin,†wika ni Lions assistant coach Eliezer Fabroada na hinaÂlinhinan ang coach na si Aris Caslib na may ibang pinagkaabalahan.
Ang mga Lions booters na sina Nhiboy Pedimonte at Ali Baldo ang nanalo ng individual awards para katampukan ang mabuÂngang taon sa koponan.
Si Pedimonte ang nanalo bilang Most Valuable Player habang si Baldo ang hinirang bilang Best Midfielder.
Ito naman ang pinakamagandang pagtatapos ng Arellano at si Alvin Obero ang lumabas bilang Best Striker at Scorer sa kanyang walong goals.
Ang mga kakampi ni Obrero na sina Mark Baldo at Kaiser Orcine ang nagwagi bilang Best Goalkeeper at Best Defender.
- Latest