MANILA, Philippines - Walang pirma, walang press conference at walang laban.
Ito ang paninindigan ni unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. sa kanyang paniniwala na dapat lumagda si Cuban title holder Guillermo Rigondeaux para sa karagdagang drug testing sa VoÂluntary Anti-Doping Agency Association (VADA).
Ito ay base na rin sa kaÂnilang napagkasunduan para sa laban nila sa Abril 14 (Manila time) sa Radio City Music Hall sa New York.
Ayon kay Donaire, kung hindi tutupad si Rigondeaux sa kanilang napag-usapan ay hindi siya pupunta sa itinakda nilang press confeÂrence ngayong araw sa B.B. King Blues Club & Grill sa Times Square sa New York at hindi rin mangyayari ang kanilang laban.
“Their games end before the press con with the signing of the VADA agreement or the fight is off,†babala ng 30-anyos na si Donaire (31-1, 20 knockouts) sa 32-anyos na si Rigondeaux (11-0, 8 KOs) sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
Sa kanilang naÂging usapan, pumayag si Rigondeaux na sumailalim sa VADA drug testing na siyang laging ginagawa ni Donaire sa tuwing may laÂban siya.
Kinatigan naman ni Victor Conte, ang nutritionist ni Donaire, ang paninindigan ng Filipino fighter.
“Nonito told me yesterday that if he doesn’t see that signature on the VADA forms before the press conference, there will be no press conference, and there will be likely no fight,†wika ni Conte.
Idinahilan din ni Rigondeaux at ng kanyang maÂnager na si Gary Hyde ang translation ng fight contract sa Spanish.
“How much more stalÂling? They got the translation Tues am and it’s taking them until Thurs to sign it,†wika ni Donaire, ang World Boxing Organization at International Boxing Federation champion, kay Rigondeaux, ang World Boxing Association titlist.