Laro Ngayon
(Ateneo Blue Eagle Gym)
3 p.m. Cagayan Valley
vs NLEX
MANILA, Philippines - Isang subok ng team laban sa isang gutom pero palaban na koponan.
Magku-krus ang landas ng NLEX Road Warriors at Cagayan Valley sa ganap na alas-3 ng hapon bilang pagbubukas ng PBA D-League Aspirants’ Cup Finals ngayon sa Ateneo Blue Eagle Gym.
Pakay ng Road Warriors na palawigin sa apat na sunod ang dominasyon sa liga ngunit desidido ang Rising Suns na wakasan ang kanilang pagpapanalo at itala ang sarili bilang bagong kampeon.
Naabot ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang finals nang malusutan ang Jose Rizal University, 87-85, sa deciding Game Three dahil na rin sa nasupalpal ni Kirk Long ang huÂling buslo ni John Villarias.
Ang depensa ang nakikita ni Fernandez na siyang susi para makauna sa serye na inilagay sa best-of-three series.
“Puno sila ng energy kung maglaro lalo na ngaÂyon na nasa Finals sila. Kaya mahalaga ang ipakikita naming depensa at kung paano tatapatan ang kanilang enerhiya para manalo kami,†wika ni Fernandez.
Nakaabot sa chamÂpionship round ang Rising Suns sa pamamagitan ng 80-68 tagumpay sa Blackwater Sports para tuluyang tabunan ang kawalan ng panalo sa unang pagtapak sa liga noong nakaraang conference.
Bagamat mas bata at kulang sa karanasan, tiwala naman si Cagayan coach Alvin Pua na kaya ng kanyang mga manlalaro na itaas pa ang lebel ng paglaÂlaro ngayong may tsansa silang makuha ang titulo.
“Mataas ang kanilang morale at determinado silang manalo. Confident ako na may ilalabas pa sila,†wika ni Pua.
Ang lalim ng bench ang isa sa tiyak na gagamitin ni Fernandez lalo pa’t inaasahang babalik na rin sa koponan si 7-foot center Greg Slaughter na hindi nakapaglaro sa huling tagisan dahil sa nananakit na kaliwang balikat.