^

PSN Palaro

Arum naayos ang problema kay Rigondeaux

AT - Pilipino Star Ngayon

Kumilos agad si Bob Arum upang ayusin ang maliit na problema hinggil sa magaganap na unification title fight sa pagitan nina Nonito Donaire Jr. at Guillermo Rigondeaux sa Abril 13 sa Radio City Music Hall, New York City.

Nagkaroon ng gusot sa drug testing na gagawin sa dalawang boksingero upang matiyak na magiging malinis ang tagisan.

Nagdalawang-isip si Rigondeaux na pirmahan ang ipinakitang kontrata sa VADA dahil nakasulat ito sa salitang English at hindi niya maintindihan ang nilalaman nito.

Hiniling ng walang ta­long WBA champion na bigyan siya ng kontrata na nasusulat sa salitang Kastila para maintindihan at saka niya ito lalagdaan.

“We got that resolved and we have a fight,” wika ni Arum.

Naunang sinabi  ng ma­nager ni Rigondeaux na si Gary Hyde sa panayam ng RingTV, na gustong lumagda ng kanyang boksingero sa kontrata pero nais niyang malinaw niyang maintindihan ang nakasulat.

“I asked that the agreement be in Spanish so that Rigo would know exactly what he is signing off on. While Rigo has been tested for 13 years as the world’s leading amateur, I wouldn’t expect there will be any problem signing up for the VADA testing,” wika ni Hyde.

Natuwa naman si Do­naire sa huling pangyayari at isinasantabi na rin ang planong huwag daluhan ang press conference ng nasa­bing laban sa Huwebes.

“I’ll  take the plane to New York and take my chances,” wika  ni  Donaire sa  kanyang official twitter.

Ito ang unang laban na haharapin ng dalawang boksingero sa taon at na kay WBO champion sa junior featherweight Donaire ang mga mata matapos ang dominanteng 2012 na kung saan siya ang kinilala bilang Fighter of the Year ng prestihiyosong grupo sa boxing sa pangunguna ng Boxing Writers Association of American (BWAA).

BOB ARUM

BOXING WRITERS ASSOCIATION OF AMERICAN

DONAIRE

FIGHTER OF THE YEAR

GARY HYDE

GUILLERMO RIGONDEAUX

NEW YORK

NEW YORK CITY

NONITO DONAIRE JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with