Laro bukas
(Ateneo Blue Eagle Gym)
3 p.m. Cagayan Valley
vs NLEX
MANILA, Philippines - Nalusutan ng nagdedepensang kampeon NLEX ang matinding laban ng baguhang Jose Rizal University para angkinin ang 87-85 panalo sa Game Three ng PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals series kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nakita ang 12 puntos na kalamangan na naglaho at nakapanakot ang Heavy Bombers sa 85-84 iskor sa tres ni Anthony del Rio, siÂnandalan ng Road Warriors ang dalawang mahahalagang free throws ni Ronald Pascual at ang depensa ni Kirk Long sa huling 3.8 segundo ng labanan para makapasok uli sa finals sa ikaapat na sunod na pagÂkakataon.
“Noong kumonekta sila sa tres, nangamba ako. Pero maganda ang depensa namin sa huli at ito ang nagpanalo sa amin,†wika ni Road Warriors coach Boyet Fernandez.
Si Kevin Alas ay mayroong 19 puntos at 17 dito ay ginawa sa second half para pangunahan ang NLEX.
May 25 puntos si John Villarias, tampok ang 7-of-12 shooting sa tres ngunit ang kanyang tinangka na panablang tres ay nabutata ni Long.
Kalaban ng NLEX ang sophomore team na CagaÂyan Valley na pinagpaÂhinga ang mas beteranong Blackwater Elite, 80-68, sa unang laro.
Naisantabi ng RiÂsing Suns ang mahinang pagÂlalaro sa first half na kung saan naiwanan sila sa 35-40, nang gumana ang opensa sa sumunod na quarters.
Si Eliud Poligrates ay mayrong 17 puntos habang sina Jason Webb, Mark Bringas at Adrian Celada ay nagsanib sa 31 puntos.
Ang pagpasok sa finals ng Suns ang tumabon sa 0-9 karta sa unang paglahok sa liga sa nagdaang conference.