MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ngayon ng Ateneo ang kanilang kauna-unahang baseball title habang lalapit ang AdamÂson sa isa pang kampeonato sa softball sa gaÂgawing mga laro sa Rizal Memorial Baseball stadium ngayon.
Sasandalan ng Eagles ang 6-2 panalo sa nagdedepensang National University sa muling pagkikita sa alas-12 ng tanghali at isang tagumpay pa ang tatapos sa best-of-three series.
Nasa ganitong sitwasÂyon ang Eagles noong nakaraang taon pero nakaÂhulagpos ang titulo nang matalo sa Game Two at sa deciding Game Three.
“Hindi na kami papaÂyag na mawala pa ito. Sa nilaÂlaro ng mga bata, tingin ko ay kaya naming makauna na ito,†wika ni Eagles coach Emerson Barandoc.
Unang tagisan sa ganap na ika-9 ng umaga ay sa pagitan ng Lady Falcons at National University sa pagbubukas ng kanilang serye sa softball.
Dahil sa 12-0 sweep, ang Lady Falcons ay may thrice-to-beat sa Lady Bulldogs na nakapasok sa championship round nang kunin ang 5-3 panalo sa UST sa knockout game noong Linggo.
Samantala, mainitang pinaglalabanan ng mga matitikas na spikers na sina Alyssa Valdez ng Ateneo at Dindin Santiago ng National University ang MVP sa women’s volleyball.
Si Valdez ang number one scorer ng liga sa 287 puntos mula sa 241 spikes, 25 aces at 21 blocks habang ang 6’1†na si Santiago ay nasa ikalawa sa scoring sa 250 puntos mula sa 195 spikes, 28 blocks at 27 aces.