^

PSN Palaro

Blackwater vs Cagayan; Nlex kontra JRU, bakbakan sa d-league

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Blackwater Sports vs Cagayan Valley

4 p.m. NLEX vs JRU

 

 

MANILA, Philippines - Puwesto sa PBA D-­Lea­gue Aspirants’ Cup finals ang nakataya nga­yong hapon sa pagtatagpo ng apat na nakatayong ko­­ponan sa The Arena sa San Juan Arena.

Ang NLEX Road Warriors ang magsisikap na manatiling buhay ang ha­ngaring palawigin ang dominasyon sa liga sa pagharap sa determinadong Jose Rizal University na magsisimula matapos ang bakbakan ng Blackwater Sports at Cagayan Valley sa alas-2 ng hapon.

Nagkaroon ng double-playoff sa semifinals nang manalo ang Heavy Bombers at Elite noong nakaraang Huwebes para maitabla ang kani-kanilang best-of-three series sa 1-1 karta.

Malamya ang depensa ng Road Warriors tungo sa 94-108 pagkadurog sa JRU habang ang Elite ay umani ng 86-79 panalo sa Rising Suns sa huling laban.

“Ang hamon ngayon sa amin ay kung paano kami babangon matapos ang huling kabiguan. Hindi naman bago ito sa amin pero para manalo kami, dapat ay makitaan kami ng magandang depensa,” wika ni Road Warriors coach Boyet Fernandez.

Ang mga manlalaro na dapat nilang pigilan ay sina John Villarias at Dexter Maiquez na siyang nagdadala ng laban para sa tropa ni coach Vergel Meneses.

“Nakikitaan na sila ng maturity at naniniwala akong kaya nilang makumpleto ang trabahong nakaatang sa kanilang mga balikat,” wika ni Meneses.

Kontrolin ang laban ang nais naman ni Elite coach Leo Isaac para makarating sa championship round sa unang pagkakataon.

Makakatulong din sa Elite kung kakikitaan na uli ng sigla si Jeric Fortuna na naghahatid lamang ng 4.5 puntos sa naunang dalawang tagisan.

vuukle comment

BLACKWATER SPORTS

BOYET FERNANDEZ

CAGAYAN VALLEY

DEXTER MAIQUEZ

HEAVY BOMBERS

JERIC FORTUNA

JOHN VILLARIAS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with