Na makuha ang 3rd place: Reyes: 50-50 sa Gilas

MANILA, Philippines - Inaasahan ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makukuha nila ang pangatlo at huling tiket patungo sa 2014 FIBA World Championships sa Spain, habang ang China, Iran, Jordan at Korea ang sinasabi niyang mag-aagawan para sa korona ng 2013 FIBA-Asia qualifiers sa Manila sa Agosto 1-11.

“I don’t want to sound less than upbeat but I think it’s 50-50 for us to finish third,” wika ni Reyes.  “My top two picks are China and Iran.  Then, I’ll have to choose Jordan and Korea as other top contenders because we’ve always had a tough time playing them.  I think it’ll be 40-60 for us to take second place and 25-75 to win it all.”

Sinabi pa ni Reyes na malaking bagay ang pagkakaroon ng Gilas ng ‘homecourt advantage’ sa nasabing torneo.   Nagsisilbi namang ‘darkhorse’ ang Lebanon na may pitong naturalized players.

Ang ‘priority import’ ng Lebanon ay ang pambato ng University of North Carolina na si 6-8 Rayshawn Terry na siyang second round pick ng Orlando Magic sa 2007 NBA draft.  Ang 28-anyos na si Terry ay naglaro sa Greece, Italy, Spain, Germany at Ukraine.             

Ang iba pang nasa Lebanese “wait” list ay sina 7-2 Loren Woods ng Arizona, 6-9 Garnett Thompson ng Providence, 6-9 William Pharis ng Arkansas, 6-10 Matt Freije ng Vanderbilt at 6-9 Daniel Faris ng New Mexico. 

 Isa pang opsyon ay si 6-11 Colorado State veteran Joe Vogel.

Sinabi rin ni Reyes na kritikal ang draw na gagawin sa June 6  kung saan ang 16 na koponan ay hahatiin sa apat na grupo na may tig-4 na teams. 

Pang-13th ang Pilipinas na pipili sa draw at hangad  ni Reyes na mapasama sa grupo ang malakas na gaya ng Iran at  China para makaiwas sa crossover knockout quarterfinals.

 

Show comments