Kahit paano’y nadarama ng Meralco Bolts ang kakulangan ng isang dominant big man sa kanilang line-up.
Sabihin na nating nakalimutan na nila si Paul Asi Taulava na ngayon ay naglalaro na sa San Miguel Beermen sa ASEAN Basketball League (ABL), pero hindi iyon sapat, e. Kasi, ang mga natitirang bigmen ay hindi halos effective.
Naiwan sa line-up ng Bolts buhat sa nakaraang season sina Reynell Hugnatan at Jay-R Reyes. Kapwa nakuha ang dalawang ito sa Alaska Milk sa magkahiwalay na panahon. Si Hugnatan ay nakuha kapalit ng mas batang si Hans Thiele na bigla na lamang nawala sa PBA. Si Reyes ay nakuha kapalit naman ng dating National Collegiate Athletic Association Most Valuable Player at Rookie of the Year awardee na si Gabby Espinas.
Kahit na may edad na si Hugnatan ay idinepensa ni coach Paul Ryan Gregorio ang kanyang trade nang sabihin niyang mas beterano ito at mapapakinabangan pa naman kahit paano.
At totoo naman ito. Kasi nga’y wala na sa PBA ang ipinalit na manlalarong si Thiele na bagamat mas bata ay maituturing na siyang ‘reject.â€
Si Reyes ang maituturing na disappointment hanggang sa puntong ito. Kasi, nang unang maglaro si ReÂyes sa Welcoat Paints bilang isang direct-hire player buhat sa amateur ranks ay malaki ang promise at potential nito.
Hindi ba’t dati siyang MVP noong nasa junior team siya ng Letran sa NCAA. Pinag-agawan siya ng mga senior squads at napunta siya sa University of the Philippines Fighting Maroons. Hindi nga lang siya nagtagal doon.
So, pagpanhik niya sa PBA ay maraming nagsabi na siya ang “future†ng Welcoat. pero naipamigay din siya kinalaunan.
Noong nakaraang Philippine Cup ay may mangilan-ngilang moments of glory si Reyes bilang kapalit ni Taulava. Pero hindi nagtuluy-tuloy ito, e. Hindi siya naging dominante. Hindi niya talaga napunan ang pagÂkawala ni Taulava.
Sa nakaraang Draft ay kinuha ng Meralco sina Cliff Hodge at Kelly Nabong na mga rebounders bagamat undersized. Pero bago nagsimula ang Commissioner’s Cup ay ipinamigay si Nabong sa Globalport kapalit ni Vic Manuel.
Kahit paano’y maganda sana ang showing ni Hodge na bagamat maliit ay masigla namang kumuÂkuha ng rebounds. Pero tila nawala ang siglang iyon toÂwards the end of the Commissioner’s Cup. At hinahanap pa rin iyon hanggang ngayon.
Dahil may import naman sa Commissioner’s Cup, dapat sana’y natutugunan ang problema sa dominant big man ng Meralco. Pero hindi to naibibigay ni Ric Dawson. Inconsistent nga ang import na ito, e. Matapos ang magandang performance sa 99-92 panalo ng Bolts kontra Philippine Cup champion Talk ‘N Text ay sumadsad na ang numero ni Dawson. At matapos ang panalong iyon ay nakalasap ang Bolts ng dalawang sunod na kabiguan at tila naglaho ang pangako ng pagbangon.
Hindi natin alam kung paano babangon ang MeÂralco bagamat may 11 games pa naman ang natitira. Kasi, hindi naman agad-agad masosolusyunan ang kaÂkulangan ng big man.
Para bang kailangan na munang tiyagain ni Gregorio ang season na ito at mangarap na makakakuha ng dominant big man sa susunod na Draft.
Mayroon ba’ng available?