HOUSTON -- KinailaÂngan ni Terrence Ross na huwag pairalin ang kanyang nerbiyos sa pagsisimula ng All-Star slam dunk contest.
Sa huli, kinalma niya ang isang ball boy na kailangan niya bilang prop para sa kanyang winning slam.
Nilundagan ng 6-foot-6 Toronto rookie si Michael Costolo, ang anak ni Twitter CEO Dick Costolo, at isiÂnuot ang bola sa kanyang mga binti at isinalpak ang isang one-handed dunk para talunin si defending champion Jeremy Evans.
Sa simula ay tila hindi pa tiyak ni Ross kung ano ang kanyang gagawin nang mabigo sa kanyang unang tatlong dunk attempts sa first round.
Mula sa likuran, inihagis niya ang bola at ikinonekta ang isang one-handed dunk na nagresulta ng palakpakan ng mga fans.
Nakakuha siya ng perfect 50.
“This is honestly my first really big dunk contest, so I was nervous,’’ ani Ross, ang eighth overall pick sa 2012 draft mula sa WaÂshingÂton.
Humakot si Ross ng 58 percent ng fan vote sa championship round para ungusan si Evans, nilundagan ang kanyang painted portrait at ni dating Jazz giant Mark Eaton para sa kanyang dunk.
Nabigo naman sina Kenneth Faried, James White, 2007 dunk champion Gerald Green at Eric Bledsoe.