MANILA, Philippines - May 25 bansa ang magÂÂtatagisan sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championship na gagawin sa Subic Gym mula Marso 10 hanggang 17.
Ito na ang pinakamaÂlaking international hosting ng bansa sa pamumuno ni ABAP president Ricky Vargas at chairman Manny V. Pangilinan at manguÂnguna sa mga dayuhan ang malalakas na koponan ng China, dating kasamang bansa sa Soviet Republicks at mga Middle East countries katulad ng Syria.
“This is fast becoming a logistical challenge but we are meeting it head-on,†wika ni Vargas.
Ang Pilipinas ang inaasahang magkakaroon ng pinakamaraming bilang ng kalahok habang ang iba pang sasaling bansa ay ang Kazakhstan, Mongolia, Macau, Jordan, KyrgyzsÂtan, Chinese Taipei, Turkmenistan, Iran, Vietnam, Uzbelistan, Japan, Malaysia, Hong Kong, Indonesia, Singapore, Iraq, Sri Lanka, Pakistan at Bangladesh.
Handang harapin ng ABAP ang hamon na maÂtagumpay na hosting dahil bukod sa suporta ni MVP, ang Asian Boxing Confederation at International Boxing Assocoation (AIBA) ay handa ring tumulong.
Bukod sa pagsuporta, darating din ang mga matataas na opisyales ng dalawang nirerespetong international bodies sa paÂngunguna ni AIBA president Dr. Ching Kuo Wu at ASBC head Gofur Rakhimov.
Nauna nang nagsagawa ng ocular inspection sa pasilidad ang AIBA na kinatawan ni technical delegate Nieva Tesoro-Embuldeniya, isang Filipina na nagtapos sa UST, at ang ASBC executive director Aziz Kozhambetov.