MANILA, Philippines - Nagpasikat agad ang mga bagong manlalaro ng Westports Malaysia Dragons na sina Sammy Monroe at Fil-Am Justin Melton upang wakasan ang kanilang losing streak sa pamamagitan ng 82-76 panalo sa San Miguel Beerrmen sa 4th ASEAN Basketball League kahaÂpon sa MABA Gym sa Malaysia.
Si Monroe na hinalinhinan ang injured na si Cedric Bozeman, ay mayroong 32 puntos kasama ang 6-of-10 shooting sa 3-point line habang si Melton, na nasama sa Gilas Cadet pool, ay mayroong 18 puntos, lakip ang 3-of-4 shooting sa tres.
Si Gavin Edwards ay mayroong 13 puntos at 13 rebounds at naipasok ang natatanging tres at ang tatlong bigating manlalaro ni coach Ariel Vanguardia ay nagsanib sa 10-of-15 shooting sa 3-point line.
Sa kabuuan, ang DraÂgons na tinalo ng Beermen sa semifinals noong nakaraang season ay tumapos tangan ang 11-of-25 shooting sa tres.
“When I formed this team, my goal was to realÂly beat San Miguel. But I forgot the other teams that resulted to our defeats. I just challenged the players to proved that they can beat San Miguel and they just accepted the challenge,†wika ni Vanguardia na tinapos ang apat na sunod na kabiguan tungo sa 3-4 baraha.
May 22 puntos at 14 rebounds si Gabe Freeman habang 20 ang ginawa ni Chris Banchero para maÂsama sa apat na manlalaro ng Beermen na may doble-pigura sa iskoring.
Pero kinulang pa rin ito dahil natapatan ng DraÂgons ang puwersa sa ilalim ng Beermen at angat pa nga ng dalawang puntos, 32-30, ang home team sa inside points at malasap ang ikatlong kabiguan.