HOUSTON -- Kumolektat si Kenneth Faried ng 40 points tampok ang kanyang mga slam dunks para pamunuan ang Team Chuck sa 163-135 paggiba sa Team Shaq nong BiyerÂnes ng gabi.
Nagsalpak si Faried ng 18-of-22 fieldgoals at napiling Most Valuable Player ng NBA Rising Stars Challenge.
Sasabak siya sa dunk contest sa All-Star Weekend.
“It was more of a tease,†ani Faried. “ToÂmorÂrow is a lot diffeÂrent, a lot bigger stage. I have a lot of diffeÂrent types of dunks and moÂves. Keep people guesÂsing.â€
Hinaluan ang dalawang koponan ng mga rooÂkies at second-year plaÂyers bukod pa kina ShaÂquille O’Neal at Charles Barkley na nagsilÂbing mga geÂneral managers.
Umiskor si Sacramento point guard Isaiah Thomas ng 18 points at 10 assists para sa tropa ni Barkley.
Naglista si Cleveland point guard Kyrie Irving, ang 2012 MVP, ng 32 points at may 23 naman ang kanyang kakamping si rookie Dion Waiters paÂra sa Team Shaq.
Ang huling minuto ng laro ay nagsilbing slam dunk contest.