^

PSN Palaro

4th win pakay ng San Miguel vs Malaysia

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatangkain uli ng San Miguel Beermen na maitala ang kauna-unahang back-to-back wins sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) sa pagbisita sa MABA Gym para kaharapin ang Westports Malaysia Dragons ngayong hapon

Dakong alas-3 ng ha­pon magsisimula ang salpukan na kung saan hanap ng host Dragons na tapusin ang apat na su­nod na pagkatalo matapos buksan ang kampanya sa dalawang sunod na pa­nalo.

Galing ang tropa ni coach Leo Austria mula sa 77-73 panalo sa Chang Thailand Slammers noong Miyerkules sa Bangkok para hawakan ang 3-2 baraha.

Bagama’t dayo, napa­paboran ang Beermen dahil bukod sa losing streak ng Dragons, magilas naman ang laro mula sa mga inaasahan sa huling asignatura.

Si Chris Banchero na sariwa sa pagtala ng 26 puntos sa huling laban ang aasahan na magbibigay ng direksyon sa koponan na sasandal din sa mahusay na si Gabe Freeman na naghahatid ng 22.5 puntos at 11.5 rebounds matapos ang limang laro.

Si Brian Williams ay babalik sa MABA gym na kanyang pinaglaruan noong nakaraang season at inaasahang babalik ang kanyang bangis na nawala sa huling asignatura nang gumawa lamang ng tatlong puntos.

“It’s been a see-saw season for us. There will be off-nights for every player but what is important is for everyone in the team to rise and try to contribute in anyway they can,” ani Austria.

Hinugot naman ng tro­pa ni Ariel Vanguardia sina Sam Monroe at Fil-Am Justin Melton para palakasin ang kanyang arsenal.

vuukle comment

ARIEL VANGUARDIA

BASKETBALL LEAGUE

CHANG THAILAND SLAMMERS

FIL-AM JUSTIN MELTON

GABE FREEMAN

LEO AUSTRIA

SAM MONROE

SAN MIGUEL BEERMEN

SI BRIAN WILLIAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with