Olarita naka-3 gold na; CV tankers tuloy sa pananalasa
LINGAYEN, Philippines --Isang anak ng magsasaka sa Bohol province ang umagaw ng eksena nang angkinin ang gintong medalya sa women’s 200-m run para sa Central Visayas sa PRISAA national collegiate gaÂmes.
Nagtala ang 21-anyos na si Lorna Olarita, isang graduating student mula sa University of Southern Philippines Foundation sa Cebu City, ng bilis na 26.5 segundo para sikwatin ang gold medal sa Narciso RaÂmos Sports and civic Center.
“Masaya po ako sa panalo. Nagpapasalamat po ako kay God dahil ibinigay pa rin nya sa akin ngayong graduating na po ako,†sabi ni Olarita.
Ito ang ikatlong individual gold medal ni Olarita matapos magreyna sa 400 meter run at sa 100m dash.
Sa swimming, anim na ginto ang nilangoy ng mga Central Visayas tankers sa Dagupan City Poolsite.
Itinala ng Central Visayas ang 41 gold medals, 13 silvers at 15 bronze para mamuno sa overall standings.
Nagwagi naman si Ryan Bigyan sa men’s 400-m hurdle mula sa kanyang bilis na 55.9 segundo para ilaban ang Calabarzon sa athletics event kung saan nanalo din ang Davao Region, Ilocos at Western Visayas.
Nagbigay ng ginto si Anthony Nerza sa Davao Region sa men’s 10,000m run, naghari si Jonald Canta sa men’s 200-m run para sa Ilocos at nakahugot ng ginto ang Western Visayas kay Avejiel Baclas sa women’s 400-m hurdles.
- Latest