Umpisahan na ang SEAG preparation

Maraming atleta sa Pilipinas, pero hindi lahat ng mga ito ay maaaring mabigyan ng pagkakataon na ma­ka­sama sa internasyunal na laro tulad ng sa  27th Southeast  Asian Games. 

Siniguro na ng Myanmar na idagdag nila sa listahan ng mga laro ang kanilang mga indigenous at traditional games, na ang ibig sabihin lamang ay kabawasan ng may 16 gintong medalya sa SEA Games. At tanging 30 hanggang 40 medalya na lamang ang paglalabanan.

Kung  magkakaganito, kinakailangan nating mag­handa.  Tama lamang na ang tanging pinakamahusay na mga atleta lamang ang ipadala sa SEA Games.  Kaunti pero mahuhusay lamang.

Kaya dapat  na sa qualifying standard pa lamang para sa SEA Games meet ay nakakasiguro na ang ma­kukuha ng atleta ay at least silver, para kaunting adjustments na lamang.

May task force nang binuo  upang mamahala sa pagpili,  pagsasanay at preparasyon para sa national athletes. Hindi pa nakukumpleto ang komposisyon ng  task force pero ang tiyak na mamumuno nito ay si  Romeo Magat ng lawn tennis.

Kinakailangan na nasa pinakamahusay ang mga atleta sa pagdating ng SEA Games.  Kaya’t kinakaila­ngan na bantayan ang pagsasanay ng mga ito.   Bukod dito,  marami  tayong mga atletang  matanda, so nandiyan ang strength and conditioning. Hindi naman natin maaari silang balewalain dahil sapat pa ang kanilang lakas, husay at karanasan  sa kanilang laro.

Siyempre pa, nararapat na ipakita natin sa Myan­mar na kahit makuha pa nila ang lahat ng mga tradisyunal na laro, hindi basta patatalo ang Pilipinas sa SEA Games.

Sa tuwing inaalat tayo sa ating mga pagsali sa inter­nasyunal na laro, palagian na lamang tayong may excuse, pero hindi dapat na maging excuse ang masamang performance kung tayo ay maghahahanda ng maaga sa SEA Games.

 

Show comments